Old meets new ang disenyo ng pinakabagong attraction sa Daegu, South Korea.
Hango sa isang traditional "Hanok" house ang design ng bagong Starbucks branch na nagbukas sa publiko nitong October 20, 2022.
May higit 1,600 branches ang international coffee shop brand sa tinaguriang Land of the Morning Calm.
Ang “Hanok” ay mga lumang istilo ng bahay na naging popular noon pang 14th Century.
Hindi nakakagulat kung ang branch sa Daegu ang siya namang susunod na pagkaguluhan.
Umani nga ito ng labis na atensiyon dahil sa blend ng traditional at modern coffee experience.
Imagine, na-transform ang century-old hanok at na-elevate ito sa 21st century standards.
Layon ng Starbucks at partner nitong Bang & Olufsen, isang Danish electronics company, na i-showcase ang past and present culture sa pamamagitan ng music at architecture.
At sa pagtaya ng marami sa ganda ng coffee shop na intricately designed mula sa exterior hanggang sa interior, mukhang na-achieve naman ang kanilang goals.
Tampok sa Starbucks Daegu branch ang exposed wooden framework, tiled gable roof, at ornamental detailing.
Ang buong space ay may laking 7,000 square feet o mahigit 650 square meters at kayang mag-entertain ng hanggang 120 customers.
Madalas na tampok ang mga ito sa mga Korean dramas, tulad ng Lovers in Paris, Jewel in the Palace, Reply 1988, at True Beauty.
COFFEE WITH MUSIC AND a VIEW
Tradisyon nang maituturing sa South Korea ang pagbubukas ng pinakamagagandang café ng sikat na international brand. Ilan sa mga must-visit at itinuturing na ring tourist attractions ay ang mga branches sa Yangpyeong in Gyeonggido, Jongro Tower near Jonggak Station, Hwangudan in Seoul, Seoul Wave Art Center, at sa sikat na Jeju Island. CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Kasama sa coffee experience ang music sa pamamagitan ng Bang & Olufsen sound system na idinisenyo para lamang dito.
PEP Live