Ibinalita ni Gerald Santos, 31, na kasama siya sa cast ng musical na Miss Saigon na ipalalabas sa Denmark sa 2023.
Eksklusibong nakapanayam ng libobet168.vip (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa story conference para sa pelikulang Oras de Peligro noong October 23, 2022, sa Max's Restaurant sa Sct. Tuazon, Quezon City.
Dito sinabi ni Gerald na sa Disyembre ay nakatakda siyang lumipad sa Denmark para magsimula ng rehearsals.
"Actually, isa iyan sa nagpapabigat sa pakiramdam ko, yung thought na hindi ako dito magki-Christmas and New Year. Iniisip ko na lang talaga the work and the commitment na ginagampanan mo.
"Wala akong choice. Iyon yung natiyempo na rehearsal time namin. Hindi naman sila para mag-adjust sa akin.
"We have rehearsals for two months, and then tatakbo siya from February hanggang June, supposed to be."
Gaganap muli si Gerald bilang Thuy, isang officer ng North Vietnamese Army na engaged sa pinsan niyang si Kim.
Si Kim ang novice bar girl na mahuhulog ang loob sa kanyang customer na isang American sergeant sa pagtatapos ng Vietnam War noong 1975.
Minsan nang naging bahagi si Gerald sa U.K. Tour ng Miss Saigon na iprinodyus ni Cameron Mackintosh noong 2017-2019.
Extra challenging ang role niya bilang Thuy ngayon dahil Danish language ang gagamitin sa theater play sa Denmark.
"Nag-i-start na akong mag-aral ngayon at nahihilo ako every day na nag-aaral ako. Masama ang pakiramdam ko pagkatapos. "But I'm thankful na bibigyan na nila ako ng Danish teacher, so mag-i-start na ako ng online classes ko with the Danish teacher for pronunciation. "Actually, nagdadalawang isip na talaga ako kasi I've done it for two years already, but because it's in Danish, so may challenge. Sabi ko, 'Sige, I'm up for the challenge.' "And iba rin kasi ang natutunan ko sa Europe at iba ang magiging bagong European journey.Bukod kay Gerald, may dalawang kapwa Pinoy na kasama sa Miss Saigon Denmark.
"For this Denmark stint, tatlo lang kaming Filipino. Yung isa covered Kim, yung isa understudy Kim. From Pampanga yun, si Joreen Bautista. Tapos yung isa si Winchester Lopez na part ng ensemble."
Kasama rin sa principal cast sina Linda Arunee Olofsson (Kim), Christian Lund (Chris), Kim Hammelsvang (Engineer), Thomas Hoj Falkenberg (John), at Alexandra-Yoana Alexandrova (Ellen).
Labis ang pasasalamat ni Gerald sa karakter na nagampanan dahil nakapag-ipon siya at nakapagsimula ng maliit na business.
Lahad niya, "Yeah, I could say sa una kong stint nakaipon talaga ako dun. And hopefully, this time, makaipon din.
"I've been in dog breeding business right now. Nag-i-invest ako sa mga aso, French bulldogs, may American bully na rin kami, exotic bully.
"Nagkaroon ako ng opportunity na magkaroon ng mini-business. Ang babae [na French bulldog/American bully] PHP200,000. Magastos sila, high maintenance sila."
GERALD ON BEING PART OF JOEL LAMANGAN'S NEW MOVIE
Kasama rin si Gerald sa pelikulang Oras de Peligro. Nilu-look forward ni Gerald na makatrabaho ang beterang aktres na si Cherry Pie Picache at ang direktor na si Joel Lamangan.
"I feel amazing and I feel honored to be part of this movie, Oras de Peligro.
"Ang role ko dito is si Betong, isa siyang student na sinusubukang manligaw sa character ni Karla played by Felicia Dizon.
"Bale kay Ms. Cherry Pie, this is gonna be my first time working with her, so I'm really excited.
"Kay Direk Joel, second time ko ito. Nung una kong nakatrabaho si Direk Joel ay sa pelikulang Deception. It was such a big learning experience for me."
Kilala rin si Direk Joel na mahigpit at istrikto sa set. Naranasan ba ni Gerald na mapagalitan sa set?
Sagot ni Gerald, "Medyo. I'm relatively new naman sa movies, I've done more sa musicals talaga, sa stage.
"Sa movies, I admit naman na marami pa akong dapat matutunan talaga. Napagalitan ako, pero not in a bad way naman.
"May isang eksena dun na masyadong malaki yung acting ko because of theater background.
"Sabi niya, 'I-tame down mo, this is a movie. Inner lang lahat ng internalization mo. You don't have to burst out.'
"Iyon ang mga natutunan ko na mas naging careful ako kapag gagawa ng movies. Ang dami ko talagang natutunan kay Direk Joel."