Hindi matutuloy sa December 10, 2022 ang pinakahihintay na paglulunsad ng Last Look Back dahil kinansela ito ng multi-awarded director na si Mike de Leon.
Si Mike ang may-akda ng Last Look Back, ang kanyang two-volume memoir kunsaan kuwinento niya ang kanyang journey bilang filmmaker.
Bahagi nito ang kinalakihan niyang LVN Pictures, ang film studio na itinatag noong 1938 ng kanyang lola na si Doña Narcisa “Sisang” de Leon, na nagprodyus ng mga pelikula at nagpasikat ng maraming artista. Bukod sa kanyang body of works, no holds barred pati ang mga salaysay niya tungkol sa mga dinaanan niyang pagsubok. Ngayong Martes, November 15, 2022, naglabas ng pahayag si Mike tungkol sa kanyang desisyong kanselahin ang paglalabas ng libro dahil sa mga pagkakamali umanong natuklasan niya. Pahayag ni Mike sa kanyang social media post: "Due to my discovery of so many defective copies of my book, a clear result of poor quality control and sheer uncaring negligence by Primex Printers, I am constrained to cancel the book launch on December 10 and all pre-orders. "All bad copies of the book will be destroyed considerably reducing the number of copies that can still be sold, but only online. "When, I don’t know? Perhaps next month, next year, or never. "I will file damages against this printing company, including mental and emotional anguish. "They have trashed several years of my work and they must be held accountable." Pinatotohanan ito ng isang tao na nakausap niya at nagparating sa libobet168.vip (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyon tungkol sa inirereklamo ng beteranong direktor. Sabi ng source, "First few pages pa lang, may typo [errors] na pero thoroughly proofread na raw ‘yon."MIKE'S EFFORTS FOR HIS MEMOIR
May pinagmumulan ang paghihimutok ng damdamin ni Mike.Sa panayam ni Poch Concepcion ng Daily Tribune noong October 2022, ibinahagi ni Mike na tatlong taon ang kanyang ginugol para mabuo ang Last Look Back.
"The book has been three years in the making. I worked on it intermittently, for the simple reason that I am not a professional writer."I stopped work on it when I started a new (film) feature, Unfinished Business, but this was aborted by the pandemic lockdown in March 2020.
"This left me no choice but to go back to the book. I owe its completion to two people, Patrick Campos, my editor, and my American writer/friend, Aaron Hunt." Pati paglatag ng mga litrato para sa libro ay hands-on din siya. "Photo editing took a long time because I wrote the book with photos in mind, and it became a lot easier when I started thinking of the book as a film. "I even learned Adobe InDesign and I did my own rudimentary layout (crude but effective) that was later considerably improved by graphic artist Tom Estrera. "All this work, including digital retouching of hundreds of photos (some rare), a detailed index, presswork for a two-volume edition, prolonged the production.” Nanatiling bukas ang libobet168.vip (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad at kumpanya sa artikulong ito.