Mapakikinggan na ang dalawang tanyag na nobelang isinulat ng national hero na si Dr. Jose Rizal—ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Available na ang dalawang nobela bilang audiobooks sa Audible, isang American online audiobook at podcast service. Ang narrator ng dalawang libro ay walang iba kundi si Richard E. Grant, isang Swazi-English actor at presenter.Si Richard ay naging Best Supporting Actor nominee sa 2019 Oscars para sa pelikulang Can You Ever Forgive Me?
Napanood din si Richard sa TV series na A Series of Unfortunate Events (2019) at ang Marvel TV series na Loki (2021).
Ang aktor ay naging narrator din ng classic novels na ginawang audiobooks, tulad ng Dracula at ilang nobela ng British mystery novelist na si Agatha Christie.
TRANSLATED IN ENGLISH BY A FILIPINO
Ang may initiative na gawing audiobooks ang dalawang nobela ni Rizal ay si David Guerrero, isang batikang advertising figure.
Ginamit ni David ang English translations ng Noli at El Fili ng kanyang amang si León Maria Guerrero, isang diplomat at novelist.
Si León din ang author ng The First Filipino: A Biography of Jose Rizal, León Maria Guerrero.
Originally, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not, 1887) at El Filibusterismo (The Reign of Greed, 1897) ay nasa wikang Spanish.
Kuwento ni David sa ANCX, kinomisyon ang kanyang ama ng isang English publisher noong 1960s para i-translate sa English ang mga nobela ni Rizal.