Kakaiba ang estilo ng Filipino artist na si Elito Circa, 52, sa pagpipinta.
Sarili niyang dugo ang ginagamit sa mga obra.
Tubong Pantabangan, Nueva Ecija, si Elito, na mas kilala sa kanyang bansag na "Amangpintor."
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Elementary Education sa Central Luzon State University.
Ten years old siya nagsimulang magpinta.
Ginagamit niyang brush noon ang mga hibla ng kanyang buhok na iniipit niya sa tubo mula sa antenna ng TV.
Tinatayang nasa 600 piraso na ang kanyang obra mula 1980 hanggang 2000.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Mayroon siyang series na Alamat ni Minggan tampok si Mariang Sinukuan, na ayon sa Pinoy folklore, ay isang diwata o diyosa na nakatira sa Mount Arayat sa Pampanga.
Ang mga obrang ito ni Elito ay nag-uugnay sa kasaysayan ng bayan ng Pantabangan bago ito palubugin upang gawing malaking tinggalan ng tubig o dam. In general, ang tema ni Amangpintor ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at kasaysayan, kasama ang tradisyon, kaugalian, at mga paniniwala.
PEP Live