Sa pagbubukas muli ng mga sinehan para sa movies.
Marami-rami rin ang nanood. Makikita ito sa biglang paglobo ng gross sales sa takilya na umabot sa mahigit 500 million pesos at press time.
Good news ito, siyempre, sa mga producers at artistang kalahok. At ang kaibahan ng film festival na ito ay ang pagkakaroon ng level playing field. Tila nanood ang mga tao base sa genre at reviews, and not just out of popularity on TV and social media ng mga bida.Narito ang mga main stars at ang mga characters nila sa MMFF movies ngayong taon.
Read: FIRST LOOK: MMFF 2022 Parade of Stars (The Floats)
Deleter, the big winner among the mmff 2022 movies
Nadine Lustre
Gumanap si Nadine Lustre sa Deleter bilang si Lyra, ang lead character at isa sa mga content moderators, also known as deleters).
Sa unang tingin, iisiping chill lang siya, pero meron pala siyang panic attacks dahil sa mga naging experiences niya dati at past traumas.Ang biggest break ni Nadine as a movie star ay noong nasungkit niya ang role ni Eya Diary ng Panget, na agad nasundan ng Talk Back and Youre Dead.
Si James Reid ang katambal niya sa dalawang pelikulang na ipinalabas noong 2014.
Tinanghal din si Nadine bilang Best Actress sa Gabi ng Parangal for MMFF 2022.
Louise Delos Reyes
Si Louise delos Reyes ang gumanap bilang si Aileen, ang officemate ni Lyra na hindi kinaya ang stress at demands ng trabaho nkaya nagkaroon siya ng mental breakdown. Ang suicide ni Aileen ay isa sa mga main turning points ng pelikula.
Bago Deleter, mas nakilala si Louise bilang female lead sa TV.
Mula sa Reel Love Presents Tween Hearts noong 2010, nagbida siya sa mga seryeng Alakdana (2011), One True Love (2012), Mundo Mo'y Akin (2013), at Kambal Sirena (2014).
Family Matters
Noel Trinidad
Teatro, radyo, pelikula—nadaanan lahat ni Noel Trinidad iyan. Kumbaga, isa siyang OG multimedia artist.
At ang pelikulang ito ang masasabi niyang "last hurrah" ng kanyang career. Akalain niyang sa edad niyang 81 ay nakasungkit siya ng male-lead role?Ginampanan ni Noel ang padre de pamilya sa Family Matters na si Francisco, isa sa mga remarkable characters.
Ilan sa kanyang iba pang role ay bilang si Roberto Lim sa Be Careful with My Heart (2012), Milton Villasanta sa Let the Love Begin (2015), at Gabriel Torralba sa La Luna Sangre (2017).
Liza Lorena
Si Liza Lorena ay si Eleanor, ang asawa ni Francisco.
Ang mgandang samahan nina Eleanor at Francisco ay isa sa magiging points of conflict ng pelikula dahil sa pag-aalala ng mga anak .Si Liza ay nanalo dati bilang Best Actress sa MMFF 1986 nang gumanap siyang lead para sa pelikulang Halimaw sa Banga (1986).
Labyu with an Accent
Coco Martin
Gabo ang pangalan ng character ni Coco Martin sa pelikulang ito. Bilang breadwinner, kumuha siya ng iba't-ibang raket upang buhayin ang pamilya.
Hindi ito ang unang beses na naging bahagi ng MMFF si Coco bilang aktor at producer. Gumanap siya bilang Flavio Batungbakal III sa Ang Panday (2017), ang official top grosser ng 35th ; Jack Halimuyac sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles (2018); Apollo "Pol" C. Balbon at Paulene Olivia "Paloma" Margaret-Guillermo sa 3pol Trobol: Huli Ka Balbon! (2019).
At sino ang makakalimot sa kanyang role bilang si sa FPJ's Ang Probinsiyano (2017), na siyang longest-running prime-time series sa Philippine TV?
Jodi Sta. Maria
Si Trisha naman ang katambal ni Gabo sa Labyu with an Accent.
Isang expatriate worker ang karakter ni Jodi sa States. Saglit siyang bumisita sa Pilipinas, partly para maka-move on sa kanyang heartache.Si Jodi ay isa sa reliable leading ladies ng ABS-CBN, kung saan nagsimula siya sa youth-oriented nshow na Tabing Ilog noong 1999.
Sa matagal na panahon, siya ay namayagpag bilang kontrabida until nasungkit niya ang isa sa main roles sa 100 Days To Heaven noong 2011 at naging bida sa Be Careful With My Heart noong 2012.
Mamasapano: Now It Can Be Told
Edu Manzano
Gumanap si Edu Manzano sa pelikulang ito bilang si General Benjamin “Benjie” Bañez Magalong, ang chairman ng Philippine National Police Board of Inquiry na naghahandle ng Mamasapano Incident.
Si Bañez din ang director ng Criminal Investigation and Detection Group noong naganap ang Mamasapano incident.
Samantala, nagsimula ang showbiz career ni Edu bilang dramatic actor noon 1980s hanggang early 2000s.Sa telebisyon, naging popular siya bilang host ng morning shows—mula Unang Hirit ng GMA-7 at Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN; ng mga game shows—The Weakest Link sa IBC-13, Pilipinas, Game KNB? ng ABS-CBN, Family Feud: The Showdown Edition ng GMA-7, Game 'N Go ng TV5, Celebrity Bluff ng GMA-7.
Aminado siyang nasa least of priority projects niya ang serye dahil sa taping, pero nagbalik-serye siya noong 2015 sa Bridges of Love, matapos ang walong taon niyang pag-focus sa hosting. Ang huli niyang serye bago nito ay Walang Kapalit, na umere noong 2007.
Gerald Santos
Si Gerald Santos naman si Sgt. Christopher Lalan sa pelikulang ito. Matatandaang si Sgt. Lalan ang kaisa-isang survivor ng Mamasapano incident.
Leading role rin si Gerald sa Memory Channel (2016) kung saan nakasama niya sina Epy Quizon at Bodjie Pascua.
Gumanap din siya bilang si Emilio Jacinto sa docu-film na Emilio Jacinto: Utak ng Katipunan (2020) under Legit Entertainment.
Gaganap din siya bilang Thuy sa staging ng Miss Saigon sa Denmark this 2023.
My Father, Myself
Jake Cuenca
Gumanap si Jake Cuenca sa My Father, Myself bilang si Robert, isang abugadong naka-focus sa human rights.
Ang karakter niya ay isang closet gay na nagpakasal sa isang babae.Hindi ito ang unang beses na gumanap si Jake bilang gay. Noong 2013, nagbida sila ni Joem Bascon bilang homosexual lovers sa pelikulang Lihis.
Sean de Guzman
Si Sean de Guzman ay si Matthew, ang adopted son ni Robert na eventually ay na-fall sa kanya.
Girlfriend ni Matthew ang karakter ni Tiffany Grey.
Si Sean rin ang lead character na si Inno sa isa pang pelikula ni Direk Joel Lamangan, ang Anak ng Macho Dancer (2021). Si Inno ang anak ni Pol (na ginanapan ni Alan Paule) na itinatampok bilang isang macho dancer.
My Teacher
Toni Gonzaga
Ginampanan ni Toni Gonzaga sa My Teacher ang karakter na si Emma, ang substitute teacher ng isa sa mga pinakamagugulong klase sa isang paaralan.
Ito ang third Metro Manila Film Festival entry ni Toni at ng film outfit niyang TinCan Productions.Ang una ay Marry Me, Marry You (2017), na sinundan ng The Exorcist (2018). Naksama niya sa parehong pelikula ang kapatid na si Alex Gonzaga.
Joey de Leon
Si Joey de Leon ang gumanap kay Solomon, isang senior citizen na dating mag-aaral ngunit eventually ay naging isang dropout. Isa siya sa mga naging estudyante ni Emma sa magulong section.
Ito ang movie comeback ng talented comedian matapos ang limang taon. Huli siyang napanood sa Barbi: D' Wonder Beki (2017).
Nananahimik ang Gabi
Ian Veneracion
Si Chief ang pangunahing karakter na ginampanan ni Ian Veneracion sa Nanahimik ang Gabi.
Bilang isang corrupt at mapang-abusong pulis, ito ang "pinakamasama" niyang karakter so far.Hinirang si Ian bilang Best Actor sa ginanap na Gabi ng Parangal ng MMFF 2022.
Heaven Peralejo
Ginampanan ni Heaven Paralejo ang role ni Me-Ann sa Nanahimik ang Gabi.
Siya ang naging sugar baby ni Chief na kahit humiling pa ng sariling condo ay pagbibigyan siya.
Very promising ang pagganap ni Heaven sa pelikula, at ito ay patunay na malaki ang improvement ng dalaga simula noong pumasok siya sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.
Partners in Crime
Vice Ganda
Ginampanan ni Vice Ganda ang karakter ni Jack Cayanan sa Partners in Crime. Kamukha ng kanyang ginagawa sa tunay na buhay, isa rin siyang TV host sa show na pinamagatang Happy Time with Jack.
Naging suki si Vice ng Metro Manila Film Festival simula noong nagbida siya , kasama sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas, sa Sisterakas noong 2012.
Sinundan ito ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy, na tumabo ng PHP421 million.
Noong 2014, naging entry niya ang The Amazing Praybeyt Benjamin, na sinundan ng Beauty and the Bestie, Parehong kumita ng more than PHP500 million ang dalawang pelikula.
Taong 2017 ay naging pambato niya ang Gandarrrapiddo: The Revenger Squad; Fantastica in 2018; The Mall, The Merrier in 2019.
Gandarrapiddo: The Revenger Squad
Ivana Alawi
Si Ivana Alawi ang gumanap bilang si Rose, ang “ex” ni Jack, na pakli niya, “There was never an us.”
So nag-assume nga lang ba si Rose na may something sila ni Jack dati?
Pagkatapos ng kanyang heartbreak at fallout ng kanilang hosting partnership na JaBar, naging isang successful na social media influencer si Rose.Ito ang first lead role ni Ivana sa pelikula.