Sinong mag-aakala na ang isang lumang water tower ay puwedeng gawing tirahan?
Naintriga ang factory worker na si Robert Hunt ng United Kingdom nang makita niyang for sale ang lumang water tower. Nakitaan niya ito ng potensiyal na maging kanyang tahanan.
Aniya sa isang , "It was within 20 miles of where I lived, so basically local.
“I could see there was an opportunity with it and the price was pretty good for the size of the property and the land that came with it."
Pero hindi kumbinsido sa kanyang plano ang mga taong malalapit sa kanya.
"They probably all thought it was either not going to happen, or that I was just mad to even think about it.
"But if it was easy then everyone would do it, wouldn't they?"
“You had to go up a ladder in the center of the tower to get to the top of the tank."
Sinimulan ni Robert ang pag-aayos sa water tower noong December 2019. Kumontrata siya ng mga arkitekto at trabahador.
Para makapag-concentrate, nag-resign siya sa trabaho at ibinenta ang kanyang lumang bahay. Pansamantala siyang tumira sa isang mobile house.
Tumulong din siya bilang laborer sa kanyang ipinapatayong bahay.
Ani Robert, gumastos siya ng halos £600,000 (PHP40,348,116.73) sa kanyang proyekto.
CONSTRUCTION
Ang water tower ay hindi na ginagamit simula noong 2000. Ang loob nito ay may malawak na espasyo, walang dibisyon, walang interior walls, at walang bintana. Mayroon naman itong linya ng kuryente at tubig. Paglalarawan ni Robert, "When I first viewed it, it was hard to describe. No windows, and no stairs. CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
FROM OLD WATER TOWER TO COZY HOME
Noong May 2022 nakumpleto ang renobasyon at nag-umpisang tumira si Robert sa kanyang water tower. Pagbabahagi niya sa bagong kaanyuan ng water tower, "The black cladding on the outside, the white render on the bottom, the layout inside, the windows, and other things were all my ideas.
PEP Live