Parang tagpo sa teleserye ang muling pagkikita ni Edith Gemal at ng kanyang alagang aso sa gilid ng isang highway.
Mula sa Carcar, Cebu, ang babae at napag-alamang mahigit isang buwan nang nawawala ang pinakamamahal niyang alaga, batay sa Facebook video na in-upload ni noong December 31, 2022.
Hindi maawat sa pagluha si Edith habang karga-karga ang kanyang alagang natagpuan.
Maririnig din ang babae na paulit-ulit na nagsasabi ng salamat dahil nakita niya ang kanyang aso.
Bakas din sa inaasal ng aso na alam niyang ligtas na siya dahil sa mga yakap ng kanyang amo. Nakababa ang mga tenga nito at dinidilaan ang mukha ni Edith.
Meron na itong higit six million viewers, 733,000 reactions, at 11,000 comments.
THE REUNION
A dog lover’s heart or any pet owner will always bleed once their pet, regardless of breed, leaves them. Naroon yung pagkabahala kung nasaan na ang alagang aso, kung siya ba ay nakakain na, kung siya ba ay safe? Ito marahil ang naramdaman ni Edith nang nawala ng aso niya. Kitang-kita sa video ang pagiging emosyonal ng dog owner nang makita at mayakap niya ang kanyang pinakamamahal na alaga. Hindi man nabanggit kung bakit at paano nawala ang aso, lubos naman ang kasiyahan ni Edith sa muli nilang pagkikita ng alaga. CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
NO HARM DONE
Kung pagbabasehan ang video, mukhang maayos naman ang lagay ng aso at tila hindi naman ito napahamak kahit matagal-tagal itong nawalay sa amo. Gayunpaman, nawa’y mapatingnan ang aso sa beterinaryo nang sa gayon ay ma-check up ito. Bagamat mukha itong hindi nasaktan, may posibilidad na nakaranas ito ng anxiety o may nakaing hindi healthy while on the loose. Masuwerte si Edith na nakapiling muli ang alagang aso nang buhay. Kaya pag may alam tayong nawawalan ng alagang hayop, huwag mag-dalawang isip na tulungan sila. O di kaya, pag may nakita kayong naliligaw na aso, tumulong sa pag-rescue nito sa pamamagitan ng pagtawag sa 117 o pag-report sa barangay officials. Alamin din ang mga animal rescue centers, gaya ng , sa inyong lugar.
PEP Live