Ito ay base sa kanyang recent post at isang recent vlog kasama ang kapwa vloggers na sina Zeinab at Donnalyn Bartolome.
Isa si Jelai sa mga nadawit sa away ni Zeinab at ng talent manager na si Wilbert Tolentino ilang linggo na ang nakalilipas.
Matatandaang inakusahan ni Wilbert si Zeinab ng pagiging “traydor” na kaibigan.
Isiniwalat pa ni Wilbert ang mga sinabi umano si Zeinab laban sa mga kaibigang vloggers.
Inilabas din ni Wilbert ang screenshots ng messages na may negatibong pahayag ni Zeinab ukol sa ibang vloggers.
Kasama rito sina Jelai, Donnalyn, Alex Gonzaga, Ivana Alawi, at iba pang mga artista at vloggers.
Ang mga pangalang nabanggit ay itinuturing ni Zeinab na malalapit na kaibigan.
JELAI REACTS
Sa kanyang Facebook page, nag-react si Jelai ukol sa pagtawag sa kanya ng “pinakasabaw” ni Zeinab.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Sina Jelai, Zeinab, at Donnalyn ay magkakaibigan na bumuo pa ng grupo nilang DoLaiNab.
Nag-react si Jelai tungkol sa isyu nang may isang netizen na nagkomento kaugnay ng kontrobersiya.
Ipinost ni Jelai ang screenshot ng komento ng netizen noong October 25, 2022.
Malinaw na ipinagtatanggol ng netizen si Zeinab. Dapat daw ay nauunawaan ni Jelai si Zeinab kung tunay siyang kaibigan.
Komento ng netizen (published as is): “Tapos bat ka nmn magagalit sabihan na pinakasabaw , e klaro nga lutang kaung lahat pero mas Ikaw lang pinakalutang.”
Sinisi pa ng netizen si Jelai na kulang sa pang-unawa dahil hindi pa siya ina katulad ni Zeinab.
Reaksiyon ni Jelai (published as is): “Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare sayo? Nagagalit ba ko? San mo nakuha yan?
“Ok na ok po ako wala akong inaaway. Love love lang gusto ko. Wala akong galit both sides.
“Bat tinatalakan mo ko dyan? Dinamay pa neto yung di ako maka relate kasi wala akong anak.”
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Idinaan pa ni Jelai sa biro ang tinuran ng netizen na "ina" si Zeinab.
Aniya, isa rin siyang “ina” dahil mayroon siyang alagang 100 na aso at 40 na pusa.
Banat niya sa “paladesisyong” netizen: “Pa check ka te baka ikaw binat.
“Help kita seryoso ko. Masyado kang highblood jan inom ka po kaya pinakuluang bawang na may medyas at tansan. Effective po yun.
“Ako nga chill lang bakit ka nagagalit sakin may utang po ba ako sayo? Pa albularyo ka kaya te?”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Masipag ding nag-reply si Jelai sa supporters niya sa comment section at sinabing nagtataka siya kung bakit nauna pang maging defensive sa kanya ang netizen na pumuna sa kanya.
Ang buod ng mensahe ni Jelai, wala siyang isyu kay Zeinab sa kabila ng kontrobersiya.
Bagay na posibleng may katotohanan matapos maglabas ng kasama sina Zeinab at Jelai noong November 1, 2022.
Ang tatlo ay nakabihis ng Powerpuff Girls para mag-Trick or Treat sa mga kaibigan nilang celebrities.
Isinama pa ni Zeinab ang kanyang one-year-old daughter na si Bia.
Sa Halloween vlog ni Donnalyn, kita sa video na may interaksiyon sina Jelai at Zeinab, indikasyong maganda ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang una nilang pinuntahan ay si Alex Gonzaga, na ang unang nilapitan at niyakap ay si Zeinab.
Kapansin-pansin ding mas dikit si Alex kay Zeinab.
Mainit ding din silang tinanggap ni Ivana nang bisitahin siya sa kanyang bahay ng DoLaiNab.
Pinansin pa ni Ivana si Zeinab nang bitawan ng huli ang baso nitong may lamang alcoholic drink na inalok ni Ivana.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Nang ubusin ni Zeinab ang alak, sinabi nito kina Ivana na “problemado” siya, na tinawanan nina Ivana, Jelai, at Donnalyn.
“Na-miss kita, Mhie, sobra,” sabi pa ni Zeinab at Ivana,
“I miss you,” sagot ni Ivana na may kasama pang matamis na ngiti.
Samantala, sa screenshots na inilabas ni Wilbert sa kainitan ng isyu, tinawag ni Zeinab si Alex na malabo kausap, si Ivana naman na mataas ang ihi at tina-trash talk umano si Donnalyn.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Nagsalita na si Zeinab at nag-sorry na siya sa mga nadawit na vloggers at sinabing nauunawaan daw siya ng mga ito.
We use cookies to ensure you get the best experience on libobet168.vip. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.