Mukhang bumibigay na ang katawan ng comedian-TV host na si Vice Ganda.
Sunud-sunod kasi ang trabaho niya ngayon sa telebisyon at pelikula. Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi niya ang kanyang pag-aalala at baka tuluyan na siyang magkasakit. Ayaw raw niyang magkasakit lalo't paparating na ang araw ng Pasko. Buong tweet ni Vice, “Really exhausted. Oh Lord pls give me all the extra strength that i will need for the days to come. And please bless my health oh Lord. I dont want to get sick. [praying hands emoji]” Bumuhos naman ang dasal ng netizens para sa TV host-comedian.Kahapon din ay sumabak si Vice sa motorcade sa Maynila para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 official entry nila ni Ivana Alawi na Partners in Crime.
Matagal na nakababad si Vice sa motorcade kung saan sa ilang bahagi nito ay sumakay pa siya ng motorsiklo. Dumaan din siya sa kinalakihan niyang lugar sa Tondo. Aniya, “Maraming maraming salamat sa mga kapitbahay ko at sa lahat ng mga Manileño na nag-abang, kumaway, sumigaw, nag i love you at ngumiti sakin kanina sa motorcade. Nakakagalak as ennnnn! Merry Christmas! I love you!”View this post on Instagram
Bukod sa pelikula at It’s Showtime, abala rin si Vice sa isa pa niyang TV show, ang Everybody Sing.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
PEP Live