Fast Talk ang pamagat ng bagong showbiz-oriented talk show ni Boy Abunda sa GMA-7 na mapapanood simula sa January 23, 2023.
Read: Boy Abunda on TV comeback: "I'm not afraid to start again"
Tulad ng pamagat ng kanyang programa, mabilis ang kakaibang format ng Fast Talk dahil mapapanood lamang ito sa loob ng 20 minuto pero live na matutunghayan sa Kapuso Network mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. hanggang 4:25 p.m.
Kasalukuyang nagaganap sa Studio 6 ng GMA-7 ang press conference para sa Fast Talk.
Hudyat ito ng opisyal na pagbabalik ni Boy, makaraan ang halos tatlong dekada, sa television network na unang nagtiwala sa kakayahan niya bilang talk show host.
Read: Boy Abunda on being a Kapuso: "Kailangan, we have to deliver whatever it is."
Malalaki at maiinit na showbiz issue, mga panayam sa mga artistang sangkot sa mga kontrobersiya, at ang fast talk na pinasikat ni Boy ang ilan sa mga mapapanood sa Fast Talk na mula sa direksiyon ni Rommel Gacho.
Ang mga paghahanda sa Fast Talk at sa ibang mga commitment na nauna na niyang tanggapin ang mga dahilan kaya hindi na tinanggap ni Boy ang alok ng Miss Universe Organization para maging show commentator ng 71st Miss Universe na magaganap sa Linggo, January 15, 2023 (January 14 sa New Orleans, Louisiana, USA).
Read: Boy Abunda, tinanggihan ang offer maging show commentator sa Miss Universe 2022