Ito ang unang reaksiyon ng Filipino fashion designer na si Patrick Isorena nang koronahan si Miss USA R’Bonney Gabriel bilang 71st Miss Universe.
Ginanap ang granbd coronation ng Miss Universe 2022 sa New Orleans, Louisiana, USA, nitong Sabado ng gabi, January 14, 2023 (Lunes ng umaga, January 15, sa Pilipinas).Read: Filipino-American R'Bonney Gabriel of USA wins Miss Universe 2022
May dahilan para mabigla at matuwa si Isorena dahil siya ang gumawa ng "Woman on the Moon" national costume ni Gabriel kaya bahagi siya ng Miss Universe journey ng 28-year-old beauty queen.Read: Filipino designer overwhelmed by positive comments on Miss USA's national costume
Malapit sa puso ng mga Pilipino si R'Bonney dahil Pilipino ang kanyang ama na si Remigio Bonzon "R.Bon" Gabriel. “Thank you for choosing me to be part of this amazing journey,” bukal sa pusong pasasalamat ni Isorena kay R’Booney, na isa ring mananahi tulad niya. Personal na nakilala ni Isorena ang mga magulang ni R’Bonney nang umuwi ang mga ito ng Pilipinas mula sa Amerika noong December 2022 para personal na kunin ang national costume na gagamitin ng kanilang anak sa 71st Miss Universe.“Dapat ipadadala siya [national costume] via an international courier but it will cost US$5,000 [Php274, 650] so R’Booney asked her parents to come here in the Philippines to get her national costume and gown,” kuwento ni Isorena sa panayam sa kanya ng libobet168.vip (Philippine Entertainment Portal) dalawang araw bago naganap ang 71st Miss Universe.
Nang tanungin tungkol sa halaga ng national costume ni R’Booney na ginawa niya, tumanggi si Isorena na magsalita dahil sa non-disclosure agreement nila ng team ng newly crowned Miss Universe.