Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng PHP150 commemorative coin bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng martyrdom ng mga paring Katoliko na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, na mas kilala bilang GomBurZa.
Inianunsyo ito ng BSP sa official Facebook Page nito noong January 13, 2023.
Ang GomBurZa coin ay yari sa nordic gold at may diameter na 34 millimeters.
Tumitimbang ito ng 15 grams.
Sinabi rin ng BSP na ang PHP150 non-circulation limited series commemorative coin ay legal tender at ibebenta sa halagang PHP2,200.00.
Para sa mga coin collectors o gustong magkaroon, ang GomBurZa coins ay mabibili sa simula sa January 16 pagsapit ng ala una ng hapon.
Limitado ang stocks ng GomBurZa coins, at ibebenta on a first come, first served basis.
Ang GomBurZa ay binitay ng mga Kastila noong February 17, 1872 sa Luneta.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog sa kanila ni Dr. Jose P. Rizal.
Bukod sa GomBurza coin, tampok din ang tatlong paring martir sa commemorative stamps na inilabas ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) noong June 2022. Maraming kalye sa buong bansa ang isinunod sa pangalan ng tatlong martir.Nag-trending din ang GomBurZa at "MAJOHA" noong April 2022 matapos magkamali ng sagot sina Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 teen housemates Kai Espinido at Gab Skribikin sa mga tanong tungkol sa Philippine history.
Read:
PEP Live