747.live casino login:JERRY OLEA
Mambubulabog tiyak ang apat pang official entries ng 48th Metro Manila Film Festival.
Ang mga ito (in alphabetical order) ay:Deleter — horror movie starring Nadine Lustre, directed by Mik Red, produced by Viva Communications.
Family Matters — family drama starring Noel Trinidad, Liza Lorena, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nonie Buencamino, JC Santos, and Nikki Valdez, directed by Nuel Naval, produced by Cineko.
Mamasapano: Now It Can Be Told — action-drama starring Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Alan Paule, and Claudine Barretto, directed by Lester Dimaranan, produced by Borracho Film Production.
My Father, Myself — drama starring Jake Cuenca, Dimples Romana, Sean de Guzman, and Alan Paule, directed by Joel Lamangan, produced by 3:16 Media Network.
Nauna nang nai-announce na official entries ng MMFF 2022 ang Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria, Partners In Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi, The Teacher nina Joey de Leon at Toni Gonzaga, at Nanahimik Ang Gabi nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado.
Read: Coco-Jodi, Vice-Ivana, Ian-Heaven, Joey-Toni movies pasok sa MMFF 2022
Sa pakiwari ko, lilikha ng kontrobersiya ang Mamasapano: Now It Can Be Told na tungkol sa kaganapan sa SAF 44 noong administrasyon ng pumanaw na Pangulong Noynoy Aquino.
Read: Mamasapano stars idinemanda ng SAF for illegal use of uniform and insignia
Mukhang frontrunners sa pagiging best actress sina Nadine Lustre (Deleter), at Dimples Romana (My Father, Myself).
Puwedeng makasilat sina Toni Gonzaga (The Teacher), Jodi Sta. Maria (Labyu With An Accent) o Heaven Peralejo (Nanahimik Ang Gabi).
Para sa best actor, malamang na maglaban-laban sina Jake Cuenca (My Father, Myself), Ian Veneracion (Nanahimik Ang Gabi), at Joey de Leon (The Teacher).
GORGY RULA
Kagaya ng mga nakaraang MMFF, karamihan sa unang apat na entries na napili ay pang-commercial. Madalas na ito ang umaariba sa takilya. Ang last four entries na napili sa finished films na isinabmit ay pang-awards o pumapalo sa Gabi ng Parangal. Napanood na kasi ng screening committee ang kabuuan ng pelikula, kaya ibig sabihin maganda na talaga itong apat na ito. Sana nga, magaganda na maa-appreciate ng karamihan. Kapansin-pansin kasing mas marami ang drama, at ito ang genre na madalas na hindi gaanong lumalaban sa topgrosser.Pero napatunayan naman noon ng Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, Tanging Yaman ni Gloria Romero, at ng historical drama na Jose Rizal ni Cesar Montano na puwede namang lumaban at manguna ito sa takilya.
Kaya tingnan natin kung kaya bang lumaban sa takilya ng Family Matters, My Father, Myself, at The Teacher.
Matagal ko ring pinag-isipan kung kaya ba ng walong pelikulang kalahok na pabalikin ang sigla ng pelikulang Pilipino sa mga sinehan.Kinapos sa takilya ang MMFF nung nakaraang taon na topgrosser ang horror movies na The ExorSis at Bawal Lumabas.
Sana, makabawi na ang MMFF ngayon.NOEL FERRER
Good luck and all the best to the MMFF 2022! Sana talaga, maibalik nito ang saya at dami ng tao pati sana ang kalidad ng mga pelikulang Pilipino. Malinaw na walang katotohanan ang mga naunang naglabasang may gustong i-disqualify na pelikula. Dumaan lahat sa proseso. Yun lang. I wish you all well. Makabuluhang Pasko sa ating lahat!