JERRY OLEA
Naligwak muli sa unang puwesto ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Isa ring Kapamilya teleserye ang kumabog dito, ang A Family Affair nina Ivana Alawi, Gerald Anderson at Sam Milby na noong Nobyembre 5, 2022 nag-umpisa ang streaming.
Ang nakakatuwa pa, may isa pang Kapamilya teleserye sa Top 10, ang Wildflower (7) nina Maja Salvador, Aiko Melendez, at Tirso Cruz III.
Nasa Top 10 TV Shows din today ng Netflix Philippines ay ang Warrior Nun (3) na kalalabas lang ng second season, Manifest (4) na kare-release lang ng fourth Season, at The Crown (5) na kalalabas lang ng fifth season.
Nariyan din ang mga K-drama series na Shooting Stars (6), Under The Queen’s Umbrella (8), at Little Women (9).
Pansampu ang Japanese anime series na BLEACH: Thousand-Year Blood War.
Sa listahan ng Top 10 Movies, gawang-Pinoy rin ang nangunguna — ang Ngayon Kaya ng rumored sweethearts na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.
Dahil sa COVID-19 pandemic ay naudlot ang nasabing filmfest, at noong Hunyo 2022 lang naipalabas ang Ngayon Kaya sa mga sinehan.
Kabilang riyan ang 2022 releases na Falling For Christmas (2) ni Lindsay Lohan, Enola Holmes 2 (3) nina Millie Bobby Brown at Henry Cavill, Medieval (4) ni Ben Foster, at Lost Bullet 2 (5) ni Alban Lenoir.
Nariyan din ang 2004 film ni Anne Hathaway na Ella Enchanted (6), ang 2015 action film ni Liam Neeson na Run All Night (7), Enola Holmes (8), na noong 2020 nag-streaming, ang fantasy drama na The School for Good and Evil (9) na last month nag-streaming, at ang 2003 action film ni Vin Diesel na A Man Apart (10).
Nalaglag na sa Top 10 ang To Russia With Love nina Gerald Anderson at Elena Kozlova, One More Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, at Doll House ni Baron Geisler.
Kabilang sa mga pelikulang “new releases” sa Netflix Philippines ang restored version ng Wedded, Worried, Wearied (Sakal, Sakali, Saklolo) nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo; Now That I Have You nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz; Himala ni Nora Aunor; Markova: Comfort Gay ni Dolphy; Feng Shui ni Kris Aquino; at Oro, Plata, Mata nina Joel Torre, Cherie Gil at Sandy Andolong.
NOEL FERRER
Ito na ba ang panibagong ratings, ang Netflix rankings? Interesting ang data na ito, ha? Sana, ipagpatuloy ang quality control din ng mga palabas sa Netflix para we only get the best from this streaming platform. For sure, hahabol din sa Netflix Philippines ang HBO Go, Amazon Prime, at Disney Plus. Iba naman siyempre ang market ng Vivamax.GORGY RULA
Marami pang gawang-Pinoy ang mag-i-streaming tuwi-tuwina sa Netflix Philippines.Streaming na sa Nobyembre 20, Linggo, ang third season ng TV5 series na Niña Niño nina Maja Salvador, Empoy Marquez, at Noel Comia Jr.
Sa Nobyembre 25 naman mag-i-streaming ang pelikulang Dubai (2005) nina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz, at Claudine Barretto.
Sandamukal na Christmas films na ang naka-line up sa Netflix, luma man o bago.Streaming umpisa Nobyembre 15, Martes, ang Christmas Encore (2017) at Christmas In Love (2018).
Streaming umpisa Nobyembre 17, Huwebes, ang Christmas With You (2022) at Return to Christmas Creek (2018).
Coming November 21 ang Christmas at the Palace (2018), sa Nobyembre 23 ang Christmas on Mistletoe Farm (2022), sa November 24 ang The Noel Diary (2022), at sa November 30 ang Christmas Full of Grace.
Kasado na sa December 1 streaming ang A Kindhearted Christmas (2021), Christmas Time is Here (2021), Angel Falls Christmas (2021), at A Christmas Miracle for Daisy (2021).
Sa December 2 ang streaming ng animated na Scrooge: A Christmas Carol (2022), samantalang sa December 6 ang Delivery By Christmas (2022), maging ang animated na Boss Baby: Christmas Bonus (2022).
Sa December 7 naman ang I Hate Christmas (2022).