747.live casino login:JERRY OLEA
Kumusta ang unang araw ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Disyembre 25, 2022, Linggo, araw ng Pasko?
Bandang 5:00 p.m., ang post sa official Facebook page ng MMFF, “Napakaagang dinagsa at pinilahan sa takilya sa iba't ibang bahagi ng bansa ang walong pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival sa unang araw pa lamang ng pagbubukas nito.” Pasado 9:00 p.m., nag-post muli ang MMFF sa FB, “Luzon! Visayas! Mindanao!! Maraming SALAMAT po sa inyong wagas na pagtangkilik sa 8 Pelikulang Pilipino na kalahok sa Metro Manila Film Festival. “Bukas at sa mga susunod pang mga araw ay lalo pa nating pag alabin ang damdaming Pilipino na mahalin at tangkilikin ang pelikulang atin. Kaya manood na at makisaya! Panoorin ang walo!” May kaakibat na mga litrato sa iba’t ibang sinehan ang nasabing FB posts. Nakakuha rin tayo ng mga balitang may naso-sold out na screening! UNOFFICIAL ang nakuha nating resulta sa takilya.Bandang 3:00 p.m., bali-balita na ang Top 4 ay Partners In Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi, Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria, Deleter ni Nadine Lustre, at Family Matters nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nikki Valdez, JC Santos, James Blanco, et al.
Noong gumabi na, naulinigan nating nagkaroon ng pagbabago sa rankings ng Top 4. UNOFFICIAL pa rin po ito, pero ang nakarating sa atin, nanatiling topgrosser ang Partners In Crime. Totoo kayang more or less ay P30M ang first day gross nito?
Nasa pangalawa at pangatlong puwesto umano ang Deleter at Family Matters, at nasa pang-apat na raw ang Labyu With An Accent.
Read: Presenting the 8 Metro Manila Film Festival 2022 official entries
GORGY RULA
Nasa Facebook account ng MMFF, ang daming nagku-comment na gustung-gusto nila ang Family Matters.
Sa tingin ko lang naman diyan, maglalaban sa paghakot ng awards ang Family Matters, Nanahimik ang Gabi, ang Deleter, o baka pati ang My Father, Myself.
Iyan ay pananaw ko lang. Depende pa rin sa mga jurors kung alin ang mas magugustuhan nila. Pero ang maganda lang dito, magaganda ang karamihan sa mga pelikulang kalahok. Kapag maganda ang overall box-office results, dito pagdesisyunan ng MMFF at MMDA kung magkakaroon na ng Summer Metro Manila Film Festival. Abangan na lang natin.NOEL FERRER
Nakakatuwa na parang nagkatotoo ang dasal nating sana bumalik ang sigla at saya sa pelikulang Pilipino. Heto ang mga learnings and realizations:1. Nagawa ng MMFF ang di na-achieve ng big Hollywood movies like Avatar: The Way of Water, Black Panther: Wakanda Forever, Jurassic World: Dominion, and even Top Gun: Maverick. Napabalik ng MMFF ang Pinoy moviegoers sa pagpapanood ng pelikula sa sinehan mismo.
2. Parang revenge viewing ang nangyari ngayon. Nasabik ang nga Pinoy sa pagpanood ng sine at ang kinita sa first day ng 48th MMFF ay mas mataas pa sa total earnings ng MMFF last year. 3. Masaya rin tayo dahil parang reward din ito para sa mga produksiyon at mga artistang matiyagang nag-promote ng pelikula nila. We really should go an extra mile promoting our own films. Look Vice Ganda’s, and other stars are the ones benifitting sa magandang showing ng pelikula nila. Sana, magtuluy-tuloy ito! At ngayong Disyembre 26, Lunes, holiday ito sa bisa ng Executive Order ng President, more chance to watch the entries, panalo tayong lahat dito. Tuloy lang MMFF, looking forward din ako sa 1st Summer MMFF. Laking tulong ulit iyan sa ating industriya kung sakali!!!