GORGY RULA
Isa sa pinag-usapan sa Twitter kaugnay sa pagkaligwak kay Celeste Cortesi sa Top 16 ng Miss Universe 2022 ay ang isyung, diumano, iniwan na lang basta ng Miss Universe Philippines Organization ng ating kandidata.
Read: Filipino-American R'Bonney Gabriel of USA wins Miss Universe 2022
Ni-repost ang video ni Celeste na nasa labas na ng venue kasama ang kanyang ina at boyfriend na si Mathew Custodio at isa pang kaibigan. Hinahanap doon ang taga-MUO na hindi na niya kasama.May isa pang video na kasama ni Celeste si Dyan Castillejo kung saan hiningan niya ng ABS-CBN broadcaster ng mensahe ang ating Miss Universe Philippines 2022 para sa lahat na sumuporta sa kanya. Nakitang bahagyang niyakap pa ni Dyan si Celeste. Ang daming nag-react, at galit ang ibang netizens dahil hinahanap nila ang organizers ng Miss Universe Philippines, lalo na si Jonas Gaffud, ang creative and events director ng Miss Universe Philippines.Replying to @keirawaraha celeste cortesi caught crying alone after nya matalo totoo ba to guys nakaka sad naman bakit wala sya kasama? #
Read: Jonas Gaffud says Celeste Cortesi prelims performance authentic despite naysayers' comments
Pinuna rin nila ang pag-alis ni former Miss Universe Philippines MJ Lastimosa sa venue matapos ang announcement ng Top 16, pero bumalik din pala ito para tapusin ang coronation.
Nag-tweet na rin si MJ kaugnay rito.Hiningan ng PEP Troika ng pahayag si Jonas Gaffud tungkol sa nangyari.
Iniwan nga ba nila si Celeste pagkatapos ng pageant? Ayon kay Jonas, ayaw na sana niyang sagutin pa ito dahil kahit ano man ang sabihin niya, tiyak na maba-bash pa rin siya. Pero nagpadala na rin siya ng kanyang paliwanag tungkol dito. Paglilinaw ni Jonas: “Immediately after the semifinals announcement, I was messaging directly with Celeste. “She asked if she could spend time with her Mom and Mathew after the pageant. Because the case usually is, they have to be in the Miss Universe bus to go back to their hotel. But Celeste decided to be with Mathew, her friend Benj and Mom.JERRY OLEA
Susme! Bakit may mga ganoon pang paandar? Saan galing iyon? Nag-tweet si MJ Lastimosa kaugnay sa intriga: “Sobrang walang comprehension ng mga tao here huhu pano ko po iiwan si Celeste Anjan po sya sa backstagetill the pageant ends, Wala po pwedeng umalis. “And Di rin po ako Pwede sa backstage Anong gagawin ko? Juskwa kayo! Ayan zinozoom in ko pa sya.” Nitong Enero 16, Lunes ng umaga ay nag-post naman si MJ sa Facebook: “I was thinking long.. trying to find the perfect words to somehow make everything seems okay, the words to somehow filter what people say, the words to somehow comfort you, hug you and make you feel okay. And I finally did, I whispered it to your ear while the warm hug lingered, I’m glad I was able to. “Nothing but thank you to you! “Mabuhay ka @celeste_cortesi “A hero once said: You’re going to make a difference. A lot of times it won’t be huge, it won’t be visible even. But it will matter just the same. “Love you chele “Keep going!”NOEL FERRER
Tapos na iyun and I’m sure, wala namang concerns na di matutugunan nang maayos. Nangyari na ang pageant, marahil maraming gustong gumawa ng iba’t ibang anggulo sa kuwento ng ating pagkakaligwak sa semifinals this year. Pero tama si Jonas sa kanyang pahayag, hindi na kailangang i-dignify pa ang ganitong mga kuwento. Masakit man, kailangang mag-move on at move forward na lang. Babawi na lang tayo sa susunod. Marami tayong natutunan!