GORGY RULA
Nagsimula na ang bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Underage noong Lunes, January 16, 2023.
Ito ang pumalit sa Nakarehas Na Puso, na naka-9.6% sa finale nito noong Biyernes, January 13.
Medyo mababa ang viewership nitong Lunes dahil pati ang ilang malalakas na programa sa afternoon slot ay mababa rin.Pagkatapos ng Eat Bulaga! ay ang Abot Kamay na Pangarap na naka-8.1%.
Sumunod ang Unica Hija na naka-8%, at ang pilot episode ng Underage na naka-7.2%.
Kahit ang Family Feud ay medyo bumaba rin, 11.1%.
Sa GMA Telebabad naman ay 8.8% ang rating ng pilot episode ng Luv Is: Caught In His Arms. Ito ang pumalit sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, na 9.2% ang finale rating.
Read: Luv Is: Caught In His Arms at Underage, sasalang na sa ratings game
JERRY OLEA
Wow! Mas mataas ang rating ng pilot ng Luv Is: Caught In His Arms (8.8%) nina Sofia Pablo at Allen Ansay kesa sa rating ng pilot ng Underage (7.2%) nina Lexi Gonzales, Hailey Mendes, at Elijah Alejo.
Kinabog din ng Luv Is: Caught In His Arms ang katapat na The Iron Heart (5.0%).
Siyanga pala, bagong karakter ang gagampanan ni Ian Veneracion bilang Secret Boss sa The Iron Heart. Magiging kalaban o kakampi kaya ang karakter ni Ian sa buhay ng bida na si Apollo (Richard Gutierrez)?
Abangan din kung makumpirma ni Eros (Jake Cuenca) na si Apollo ang may sala sa pagpatay sa anak ni Priam (Albert Martinez) sa kanilang maaksyong tapatan.Napapanood ang The Iron Heart, 8:45 p.m., sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.
NOEL FERRER
Bakit nga kaya bumababa ang ratings ng mga television show ngayon? Dahil naka-post holiday season lamyerda pa ba ang televiewers, o hindi lang nila type manood ng TV?Kahit nga sa news, parang nakakarindi na ang usapin tungkol sa mataas na presyo ng sibuyas at susunod na raw ang itlog, o yung gastos ng malaking delegation natin sa Switzerland. Pati na yung kontrobersyal na paglalagay ni Alex Gonzaga ng icing sa noo ng waiter sa birthday party niya at ang magiging birthday-anniversary concert ng ate niya na si Toni Gonzaga this Friday sa Araneta Coliseum.