GORGY RULA
Kung maaari lang, mas gusto sana ng magkasintahang Ria Atayde at Zanjoe Marudo na huwag nang pag-usapan sa showbiz ang kanilang relasyon.
Read: Zanjoe Marudo finally admits relationship with Ria Atayde: “It’s out in the open naman.”
Sa launching kay Ria bilang bagong calendar girl ng White Castle na ginanap sa Pandan Restaurant sa Quezon City nitong Martes, January 17, 2023, matipid ang sagot ng aktres nang tanungin tungkol kay Zanjoe. Tinanong siya kung ano ang reaksiyon ng Kapamilya actor nang nalamang tinanggap niya ang endorsement bilang calendar girl. “Supportive naman po. He’s very supportive throughout this whole thing,” tugon ni Ria. Hindi raw nila napag-usapan ito ni Zanjoe. Pero nagkasundo silang mas mabuting sa kanila na lang ang iba pang detalye ng kanilang relasyon. Tama na raw na alam na ito ng publiko. “I think there’s a lot more peace in keeping things private. I mean, I know I am a public figure and that does come with the territory. "Pero feel ko, the status is already so public, why do I have to make other things about it public? “Like, okay na ako na alam ng tao. Okay na yun. "But the ins and outs, okay na akong… huwag na. Hindi na namin pinag-usapan. "But I think we’re in agreement. Kasi parang pareho kaming…. basta yun,” napapangiti niyang pahayag. Sexy ang pictorial sa 2023 calendar ng naturang liquor brand kahit medyo malusog si Ria, dahil tungkol sa body positivity ang campaign nila rito. Hindi para maging bagong pantasya ng bayan, kundi sa kanilang ikinakampanyang adhikain. CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
JERRY OLEA
Ipinagdiriwang ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 anibersaryo ng White Castle Whiskey with Ria Atayde as 2023 White Castle Whiskey Girl. “I’m very overwhelmed. It’s not something I imagine was possible given that you know, usually calendar girls fit a certain mold you know,” pahayag ng 30-anyos na aktres. “We all have this one vision of beauty, and I think that’s why the campaign of White Castle really resonated with me. “Because they’re out to prove that beauty goes in all forms and all shapes and all sizes.” Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na nakapulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture. Bahagi sa roster ng White Castle girls sina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Tetchie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado, at Roxanne Guinoo. Bago mag-2021, ipinakilala ang YouTube chef at content creator na si Ninong Ry bilang unang White Castle Boy. Noong 2021, ibinigay ng brand ang desisyon sa mga tao nang buksan nila ang titulo ng kanilang calendar model sa publiko. Sa public online search na ito, ang TikTok sensation na si Sassa Gurl ang nagwagi at siya ang naging 2022 White Castle Calendar Model. Tinarget niyon ang kabataan at LGBTQ+ community. Patok ang mga content ni Sassa Girl kung saan pino-promote ang nasabing produkto.Read: Internet sensation Sassa Gurl achieves dream of becoming a calendar model
Ngayong 2023 ay babae muli ang endorser nila, ito ngang si Ria na champion ng body positivity. Hindi porke nagpa-sexy na si Ria sa kalendaryo ay magiging bold star na siya. Puwede namang mapagsabay ang pagiging sexy at wholesome, lalo na’t mahusay siyang aktres. Proud si Ria sa kanyang butt. At bilang artista, hindi niya isinasara ang posibilidad na mag-bare ng breast or butt sa pelikula kung kailangan talaga iyon sa story. Bukod sa boyfriend niyang si Zanjoe, supportive din sa sexy calendar ni Ria ang kanyang mga magulang. “Okay naman sa kanila. Maganda raw. The shots were done very tastefully. I had a very good team behind this,” sambit ni Ria.NOEL FERRER
Natutuwa ako kay Ria Atayde. Nagbunga ang kanyang pagpapakatotoo at self-love campaign. Level-headed at may social commitment din! Redefining beauty kumbaga itong bagong White Castle girl. Go, go, go Ria! We are rooting for you!!! Basta, consistency is key!!!
PEP Live