GORGY RULA
Napansin namin ang mukha ng Vivamax star na si Sunshine Guimary nang nakapanayam namin sa DZRH nung Miyerkules, January 18, 2023.
Nagpu-promote ang sexy star kasama si Maui Taylor ng pelikulang Hello, Universe! na magsu-showing na sa mga sinehan sa January 25.
Tinanong namin si Sunshine kung meron ba siyang pinabago sa mukha niya. Natawa si Sunshine na sinabing slight lang daw ang pinabago niya niya sa kanyang mukha. Nagpalagay lang daw siya ng dimples sa magkabilang pisngi. Hindi lang daw niya maalala ang tamang termino sa procedure na yun. Ayon sa Google, "dimpleplasty" ang tawag doon. “May dimples na talaga ako,” bulalas ni Sunshine. “One thing lang na siguro nami-misinterpret nila na siguro namamalditahan sa akin, through my IG post. “Kaya gusto ko yung aura ng face ko na alam mo yung smiling, approachable, yun yung goal ko talaga na sabi ko, ‘Doc, puwede ilabas ito every time I smile?’ ‘Yeah sure! We do this, and this, and this.’ “Iyon yung procedure na ginawa namin,” dagdag niyang kuwento sa amin. Kaya lang, pagkatapos niyang magpaopera, meron pala siyang gagawing movie project para sa Vivamax. Paano raw kung hindi pa ito gumling at lumabas na laging nakangiti ang mukha niya?Aniya, “Alam mo ba na may project sana ako sa Vivamax na ang sabi… pati pala yung guesting ko sa Family Feud.
Kaya ipinatanggal na lang daw niya uli. “Sabi ko, ‘Doc, tanggalin mo na ito!' Nagsisisi ako sa ginawa ko. May changes talaga… na biglaang changes na hindi nila ma-identify. “Sabi ko, ‘Doc, please! Ano ba? I-surgery natin ulit, ibalik yung original?’ Naloka ako! Ngayon, sabi ni Doc, ‘Tanggalin natin yung tahi.’ So, tinanggal yung tahi, nagsugat na siya. “Sabi ko, ‘Doc, kailangan bang itahi again para mabalik yung original niya?’ Sabi niya, ‘Hindi na. Pagagalingin muna yung sugat niyan. Pero hindi natin nakuha yung tamang recovery niya na two months,’” natatawa niyang kuwento sa amin.
NOEL FERRER
Medyo worried pa si Sunshine noong naglaro sila sa Family Feud dahil hindi pa raw gaanong magaling ang tahi sa mukha niya. Mabuti na lang daw, nanalo sila, kaya pasok yung laging naka-smile niyang mukha.
“Akala ko kasi nung una, two weeks."So, nag-Family Feud kami sa GMA, alam mo yung hindi yung ano ko dun, yung kailangan ko mag-smile nang mag-smile para hindi magmukhang tanga na ano ito? Sad face, tapos talo, may dimples pa rin.
“Buti na lang nanalo kami, kaya naging continuous yung smile ko for the rest of the show. Pero hindi ko na pinaabot [yung healing], pinatanggal ko na talaga yung tahi. “Sabi ko, ‘Doc, hindi ko na talaga kaya.’ Kaya sabi ni Doc, hindi siya na-achieve totally. Sabi ko, okay lang.” Kaya sa mga gusto raw magpa-dimpleplasty, dapat na maghintay daw talaga ng ilang buwan para maghilom ito nang lubusan. “So, dun sa gustong magpagawa, guys, hindi siya ano, ha? Kailangan talaga two months, perfect recovery siya.”JERRY OLEA
Pinag-aaralan daw ni Sunshine ngayon ang mukha niya kung ano ang mabuting gawin na hindi magmukhang matapang. Gusto lang daw niyang lagi siyang nakangiti at hindi suplada ang dating. “So ngayon, pinipilit ko na lang siya na, alam mo yun, nagpapa-cute ako minsan para, alam mo yun, hindi ako maldita-maldita when people look at me, yung approachable. “Kasi masyadong seryoso talaga ang mga post ko. Rare ako nag-smile sa IG. So parang… people look at me na they can approach me, na alam mo yung bubbly, madaldal. Yun ang gusto kong i-achieve. May dimples pa rin. “Minsan, naglalaro ako ng make-up nowadays. Idol ko kasi talaga si Kylie Jenner. Yung lips niya baliw na baliw na ako sa lips niya talaga. Kaya nilalagpas ko na nga [lipstick]. ‘Nasobrahan! Anong nangyari sa mukha mo?’ “Mas better pa rin pala talaga ang simple lang,” sabi pa ni Sunshine.