JERRY OLEA
Sadyang matulis at matinik ang isang influential politician mula sa isang prominent family. Na-link si influential politician sa isang sexy singer-actress. Bago mag-Halloween noong nakaraang taon ay bulung-bulungang nagkalabuan na sila. Ang tsika, may third party. Nabaling umano ang atensiyon ni influential politician sa isang beautiful actress na produkto ng isang reality show.Read: Sexy star, third party sa relasyon ng influential personality at sexy GF?
Sa isang showbiz event noong Nobyembre, kapwa dumalo si sexy singer-actress at si beautiful actress. Kasama ni sexy singer-actress ang isang kapamilya pagdating at pag-uwi. Kasabay naman ni beautiful actress na dumating ang ilang showbiz friends. Pero noong uwian na, sinundo si beautiful actress ng influential politician na maraming kasamang bodyguard. Pero bago matapos ang 2022, nagkamabutihan na muli ang influential politician at sexy singer-actress. Madalas na napagkikita ang influential politician sa yayamaning condo na tinutuluyan ni sexy singer-actress. Ewan kung nagli-live in na sila, o nag-i-sleep over lang doon si influential politician. Sa isang condo na malapit doon, lumipat naman ang isang young actress na makulay ang love life. May sightings din na binibisi-bisita ni influential politician si young actress sa condo unit nito. Sa Valentine’s Day, sino kaya ang uunahin ni influential politician na iduyan sa langit?GORGY RULA
Pinagdidiinan ng ilang taong malapit kay sexy singer-actress na sila pa rin ni influential politician. Kung nagkaproblema man dahil kay beautiful actress, siguro ay naayos naman. Nang tinanong namin si beautiful actress kamakailan kung totoong pumorma sa kanya si influential politician, super deny siya. Wala raw ganoon! Single na single daw siya. Maaring ganoon din ang namagitan kay influential politician at sa young actress na makulay ang love life. Puwedeng walang commitment, di ba? O baka naman friends lang kaya nakikita si politician minsan sa condo ni young actress? Mahilig yata talaga si influential politician sa mga sexy actress, e! Sa edad niyang ito ay maaaring tag-init pa siya at hindi natatahimik ang kanyang gabi kapag walang nakakalaro! CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
NOEL FERRER
Ibang klase ang rigodon de amor na ito! Ang tema nito sa tunay na buhay ay sex and power na hindi natin masiguro kung gaano ang amount of love involved. Dangerous game ito pero tingnan natin kung sino ang magwawagi. Merong magtatanong: paano naman ang taumbayan?
PEP Live